Home HOME BANNER STORY PNP umaming lumabag sa EDSA busway rules

PNP umaming lumabag sa EDSA busway rules

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Isang convoy na umano’y konektado kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Marbil ang nahuling dumaan sa EDSA busway sa Ortigas noong Pebrero 25.

Pinara ito ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) kung saan sinabi ng isang pulis na may emergency si Marbil at kailangang makarating agad sa Camp Crame sa Quezon City.

Agad na umalis ang convoy nang hindi nabibigyan ng tiket, ngunit bumalik ang isa sa mga sasakyan para tanggapin ang violation ticket.

Samantala, kinumpirma ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo ang insidente, sinabing kinailangan ng convoy na gamitin ang restricted lane dahil sa isang agarang closed-door meeting sa Camp Crame.

“For security reasons, we will not disclose the identities of those in the convoy. What we can confirm is that they are senior officers holding sensitive positions,” ani Fajardo.

Bagamat sinubukang ipaliwanag ang sitwasyon, hindi pumayag ang DOTr-SAICT enforcers kaya’t tinanggap na lang ng convoy ang violation ticket.

Nilinaw din ng PNP na iginagalang nila ang batas-trapiko, habang hindi isinapubliko ang pangalan ng mga opisyal sa convoy para sa seguridad. Santi Celario