Home METRO Kotse sumalpok sa Skyway, driver kasama sa nagliyab

Kotse sumalpok sa Skyway, driver kasama sa nagliyab

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang driver ng SUV matapos bumangga sa center island, tumaob, at bumangga sa railing sa northbound section ng Skyway.

Sumiklab ang sasakyan habang nakulong ang driver sa loob. Gumamit ng heavy equipment ang mga rumespondeng awtoridad para alisin ang wasak na sasakyan.

Ayon kay Police Lieutenant Nadame Malang ng PNP-Highway Patrol Group, hindi na makilala ang biktima at hindi rin matukoy ang kasarian nito.

Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis ang takbo ng sasakyan bago ito bumangga. Walang ibang sasakyang sangkot sa aksidente, at tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad ng human error o mechanical failure.

Humingi na rin ng CCTV footage ang HPG mula sa pamunuan ng Skyway para makatulong sa imbestigasyon. Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan bago naganap ang aksidente. Santi Celario