Home METRO PNP van driver na dumaan sa EDSA busway, pinagpapaliwanag

PNP van driver na dumaan sa EDSA busway, pinagpapaliwanag

MANILA, Philippines – Inisyuhan na ng show cause order ang drayber ng van ng Philippine National Police (PNP) na sumuway sa mga operatiba matapos na illegal na dumaan sa EDSA busway.

Sa pahayag nitong Huwebes, Mayo 9, sinabi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na ipinasa na ng Department of Transportation sa Land Transportation Officer para mag-isyu ng kautusan.

Ipinaliwanag ng komite na ilalabas ang show cause order sa drayber ng puting van ng PNP dahil sa “evading the operatives of Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) after it was flagged down for illegally passing through the EDSA busway, northbound of Ortigas station yesterday afternoon.”

Sinabi ng SAICT na mabilis na pinatakbo ng drayber ang van sa kabila na pinahinto na ito ng dalawang operatiba ng Special Operations Unit.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na tanging ang mga bus at emergency vehicles lamang ang maaaring dumaan sa EDSA busway. RNT/JGC