Home NATIONWIDE 14 baril ni Quiboloy ibinenta sa 3 ‘Canada’

14 baril ni Quiboloy ibinenta sa 3 ‘Canada’

120
0

MANILA, Philippines – Labing-apat na armas na nakarehistro sa pangalan ng puganteng “Appointed Son of God” na si Pastor Apollo Quiboloy ang ibinenta sa tatlong indibidwal na may apelyidong “Canada” noong Disyembre 2023, sinabi ng Philippine National Police (PNP).

Noong Abril 3, matatandaan na ipinag-utos ng Davao Regional Trial Court ang pag-aresto kay Quiboloy at mga kasamahan nitong sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes, at Jackiely Roy.

Nag-ugat ang arrest warrants sa mga paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, partikular na ang sexual abuse sa mga menor de edad at pangmamaltrato.

Inihayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na anim sa 14 na armas, lahat ay pistola, ay naibenta sa isang “Cresente Canada.”

Inaalam na ng pulisya kung ito ay kaparehong tao na subject sa kanilang arrest warrants.

“Nagpakita po ng dokumento si Mr. [Marlon] Acobo showing na yung remaining 14 ay naibenta na po nung 2023 – December 13, 2023,” sinabi ni Fajardo sa isang press briefing.

“Kung siya (Cresente Canada) rin po ‘yon, ang ating FEO (Firearms and Explosives Office) ay magsasagawa uli o magde-deliberate. Dahil kung kasama siya sa warrant of arrest, kung siya po mismo ito ay definitely mag-i-issue din tayo ng revocation ng kanyang LTOPF,” dagdag pa niya.

Bukod kay Cresente, sinabi ni Fajardo na ibinenta rin ni Quiboloy ang tatlo pang baril sa isang babae na ang apelyido ay “Canada” habang ang nalalabing limang pistola ay binili rin ng isang lalaki na may kaparehong apelyido.

Nitong Miyerkules, Mayo 8, sinabi ng Davao police na isinuko na ni Acobo ang lima sa mga armas ni Quiboloy. Ito ay isang colt rifle, dalawang beret pistols at dalawang metro pistols.

Ayon sa legal counsel ni Quiboloy na si Israel Torreon, pinili ng puganteng isuko ang mga armas kahit na “he had reservations about the legal necessity of surrendering [them] to the police authorities.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here