Home HOME BANNER STORY PNP walang kikilingang kandidato, partido sa halalan

PNP walang kikilingang kandidato, partido sa halalan

MANILA, Philippines – Siniguro ng Philippine National Police na mananatili silang ‘impartial’ o walang kinikilingan sa paparating na 2025 National and Local Elections.

Sa pahayag, tinukoy ng PNP ang Memorandum Circular No. 3-2025 ng Civil Service Commission na gumigiit sa kahalagahan ng pag-iingat sa paggamit ng social media upang maiwasan ang ‘partisan political activity.’

“Patuloy ang PNP sa paglilingkod ng may propesyonalismo at integridad. Tinitiyak namin na susundin ng lahat ng PNP personnel ang mga alituntunin ng CSC at iiwasan ang partisan politics. Nandito kami upang protektahan ang tao, hindi upang pumili ng panig,” ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil.

Idinagdag pa ng PNP na pangunahing misyon ng ahensya ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan na hindi maaapektuhan ng politika. RNT/JGC