Home NATIONWIDE 6 patay sa pagbagsak ng tourist chopper sa ilog sa New York

6 patay sa pagbagsak ng tourist chopper sa ilog sa New York

UNITED STATES – Bumagsak ang isang tourist helicopter sa Hudson River sa New York nitong Huwebes, Abril 10.

Nasawi ang lahat ng anim na sakay ng helicopter kabilang ang tatlong bata.

Pinaniniwalaang kabilang sa nasawi ang isang pamilya mula sa Spain at ang piloto, ayon kay Mayor Eric Adams sa isang briefing.

Ang Bell 206 chopper, na pinatatakbo ng New York Helicopter Tours ay umalis alas-3 ng hapon mula sa downtown helicopter pad, at lumipad pa-norte sa Hudson.

Ilang minuto makalipas na marating nito ang George Washington Bridge ay bumagsak ito, saka lumubog sa ilog malapit sa Lower Manhattan bandang 3:15 ng hapon.

Sinubukan ng mga diver na sagipin ang mga biktima. Apat ang nasawi on the spot habang ang dalawa iba pa ay dinala sa ospital ngunit idineklara ring patay.

Iimbestigahan ng Federal Aviation Administration at National Transportation Safety Board ang insidente. RNT/JGC