Home NATIONWIDE Kahalagahan ng teacher education-board exam alignment tinukoy ni PBBM

Kahalagahan ng teacher education-board exam alignment tinukoy ni PBBM

MANILA, Philippines – BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng paghahanay sa kung ano ang itinuro sa mga naghahangad na tagapagturo sa nilalaman ng licensure exams na kanilang kinukuha para mas makapaghanda ang kanilang mga magiging estudyante para sa mabilis na pag-unlad ng mundo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati matapos saksihan ang paglagda sa joint memorandum circular ukol sa alignment o pagkakahanay ng Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) sa Teacher Education Curriculum.

“Every nation that aspires to achieve lasting progress must begin with the most fundamental investment, not in towering monuments of concrete and steel, but in something far more enduring, in its people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“The landmark reform embodies our commitment to ensuring that every Filipino teacher is equipped with the skills and tools needed to teach with depth, with clarity, and with purpose. It is a vital step towards raising the quality of education for our present, and most importantly, our future generations,” dagdag na wika nito.

Ang lahat aniya ng bansa ay namumuhunan para ihanda ang kanilang mag estudyante na sasali o makikiisa sa mga manggagawa, para sa bagong ekonomiya na nakatutok sa digital space.

ito aniya ang dahilan sa likod ng muling pagsasaayos ng BLEPT.

Sa ilalim ng bagong nilagdaang circular, ang pagsusulit ng mga guro ay hiwalay na pangangasiwaan ng mga dalubhasa, nakahanay sa mga kaugnay na mga programa, mga pamantayan, at mga alituntunin na ipalalabas ng Commission on Higher Education (CHEd).

“This includes distinct examinations for elementary education, which will now focus on two vital specializations: Early Childhood Education and Special Needs Education,” ayon sa komisyon.

Samantala, kabilang naman sa secondary education ang hiwalay na pagsusuri para sa mga guro na may sumusunod na mga espesyalisasyon: English, Filipino, Mathematics, Science, Social Studies, Values Education, Technology and Livelihood Education, Technical-Vocational Teacher Education, Physical Education, at Culture and Arts Education.

Ang kaganapang ito ay susundan ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) report na maghahayag ng misalignment o hindi pagkakahanay sa pagitan ng teacher education curriculum mula CHEd at BLEPT na pinangasiwaan ng Professional Regulation Commission.

Sinasabi sa EDCOM 2 report na ang misalignment ay nakapag-ambag ng mababang passing rates at hindi pagkakatugma sa ‘teacher specializations.’ Kris Jose