Home HOME BANNER STORY OTS nanindigan, walang ‘laglag bala’ modus sa mga paliparan

OTS nanindigan, walang ‘laglag bala’ modus sa mga paliparan

MANILA, Philippines – Siniguro ng Office for Transportation Security (OTS) sa Senate Committee on Public Services na walang laglag-bala modus sa mga paliparan.

Ayon kay Eugenio Paguirigan, direktor ng OTS Transport Security Risk Management Service, transparent ang kanilang screening process.

“In the first place there is no laglag bala. That is an assurance from no less than the Secretary,” ani Paguirigan.

“There are several CCTV directed to the inspection table.”

Sinabi naman ni Police Colonel Cesar Lumiwes, hepe ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Unit National Capital Region (AVSEU NCR) na may mga pasaherong nagdadala ng basyo ng bala bilang anting-anting kapag sila ay bumibiyahe.

“Every day, Sir, to tell you, passengers carry with them either slug or a part of the ammunition or either one round,” ayon kay Lumiwes.

“What we do there, Sir, is we profile the person especially if he is not a threat to civil aviation because that is our mandate,” dagdag pa niya.

Suhestyon naman ni Tulfo na maglagay ng mga paalala sa check-in counter pa lamang upang balaan ang mga pasahero na siguruhing ang kanilang mga gamit ay walang nakalagay na kontrabando.

Para naman sa reklamo ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sumailalim sa random check, sinabi ni Paguirigan na bigong maipaliwanag ng maayos ng screener ang dahilan ng random check.

Ani Paguirigan, mayroon kasing nakita sa gamit ng pasahero na nag-trigger ng alarm.

Nang tanungin naman ni Tulfo kung bakit pinagbawalan ang pasahero na kumuha ng video ng inspeksyon, sinabi ni Paguirigan na ito ay “really unfortunate”.

“We have to look into the reason behind bakit ipinagbawal mag-video,” ani Paguirigan.

Para maiwasan ang mga ganitong problema ay ipinanukala ang paglalagay ng CCTV sa bawat lugar sa paliparan. RNT/JGC