MANILA, Philippines – BINETO (veto) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iminungkahing mga hakbang na magkakaloob ng Filipino citizenship kay Chinese entrepreneur Li Duan Wang.
Binago rin ng Pangulo ang Baguio City Charter.
“(The) legislative naturalization ni (of) Li Duan Wang and the bill on modern Baguio City Charter (have been) vetoed by the President,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa ipinalalabas ng Malakanyang ang kopya ng veto messages ng dalawang iminungkahing batas.
Sa ulat, inulan ng kritisismo ang panukalang ‘naturalization’ ni Wang dahil sa sinasabing pagkaka-ugnay nito sa mga aktibidad ng Philippine offshore gaming operator (POGO) at kuwestiyonableng personal records.
Si Wang, kilala rin bilang Mark Ong, di umano’y operator ng 9 Dynasty junket group, na may mga opisyal sa Rivendell, isang POGO hub sa Pasay na sangkot sa ilegal na aktibidad.
“His supposed involvement in POGOs was not disclosed in his naturalization application,” ang sinabi naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.
Samantala ang batas ukol sa modernong Baguio City Charter ay naglalayong itama ang mga depekto sa umiiral na charter.
Ang panukala ay nakikitang magda-downgrade o magpapababa sa katayuan ng Baguio City bilang ‘independent at highly urbanized local government’ at bigyan ng kapangyarihan ang ibang ahensya sa pagti-titulo ng mga ari-arian. Kris Jose