Manila, Philippines – Totoong nasa huli ang pagsisisi.
At ang Tito P na podcaster na nangutya kay Josh Aquino sa Machong Chismisan, nagsisisi’t humingi ng sorry.
Hangad din niya personal na humingi ng tawad sa ina ni Josh na si Kris Aquino.
Makikita ito sa kanilang Facebook page–na sa simula’y may podcast description pa.
“Regrettably, I made remarks that were disparaging toward Joshua Aquino and hurt many people who relate to his condition as a person on the autism spectrum, as well as those who have loved ones like him.”
Nakaka-relate daw si Tito P dahil kahit siya’y na-diagnose na neurodivergent.
Pero aware siya na hindi ito maaaring gawing excuse to justify his action: “I hope people will consider that I was not coming from a place of malice or hurtful intent.”
Bahagi pa ng kanyang post ay tungkol sa pagpapamulat sa kanya para may matutunan mula sa nangyari.
Nagpasalamat si Tito P sa podcast at sa taong responsable for taking down the video “as soon as what the hurt people felt became apparent.”
Humingi din siya ng dispensa sa kanyang mga co-hosts, The Pod Network at sa lahat ng mga taong sangkot sa unwanted publicity bunga ng kanyang mga tinuran.
Humihiling din si Tito P na personal na makahingi ng tawad mula sa mga taong nasaktan niya.