Manila, Philippines – Dumepensa na din si dating Batangas Vice Governor Mark Leviste kay Josh Aquino sa pangungutya ng mga host sa podcast show na Machong Chismisan.
Mababasa ang post ni Mark sa kanyang Facebook account:
Si Mark ay ang dating nakarelasyon ni Kris Aquino, ina ni Josh.
Panimulang post ni Mark: “I rarely speak negatively about anyone on social media, but this is personal.”
Tinanong daw ni Mark ang nobyang si Aira Lopez nang mabalitaan niya ang ginawa kay Josh: “She told me the story and I couldn’t contain my anger!”
Mark claims he knows Josh personally, na parang sariling anak na kung ituring niya.
Maging ang mga anak ni Mark ay kuya ang tingin kay Josh.
Ani Mark, isa daw si Josh sa mga “kindest, sweetest, most prayerful and loving people you will ever meet.”
Dahil daw dito kung bakit masakit para sa kanilang mga nagmamahal kay Josh ang mga sinabi ng mga podcasters.
Hindi na din napigilang makapagmura ni Mark: “To call him ‘walang kuwenta’ and mock him publicly is absolutely unacceptable!
“T*ng*n*!!! Wala akong nakikitang kamachohan at katawa-tawa sa mga inasal ng mga taong nang-insulto kay Kuya Josh!
“Freedom of expression does not exempt you from arcountability!”
Ang ginagawang depensa daw ni Mark ay gaya ng pagtatanggol niya sa kanyang mga anak: “Do not mistake the gentleness of Kuya Josh for weakness!”
Pananaw ni Mark, hindi dapat ituring na “simple joke” ang komento ng mga podcasters.
And because of this, hindi sasapat na humingi na ng sorry ang mga sangkot dito.
Huwag daw ipagkamali na basta na lang mawawala ang public outrage pag humupa na ang isyu: “An apology is only the beginning. Take full responsibility for what you said, apologize sincerely to Kuya Josh and his family, and demonstrate through your actions that you understand the harm you have caused.
“Siguraduhin n’yo na hindi na mauulit ‘to!”
Sa huli, in-assure ni Mark na mahal niya si Josh: “Kuya, you are loved. You are valued…mahal kita!”
Samantala, kinakalampag ang ama ni Josh na si Phillip Salvador at sinasabing: “Ipagtanggol mo anak mo!”