Home NATIONWIDE Poe sa DOTr: Operasyon ng MRT7 bilisan vs epekto ng EDSA repair

Poe sa DOTr: Operasyon ng MRT7 bilisan vs epekto ng EDSA repair

219
0

MANILA, Philippines- Hiniling ni Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na bilisan ang pagsisimula ng operasyon ng MRT-7 upang mapahusay ang connectivity at maibsan ang paghihirap ng publiko sa pagbiyahe.

Inaasahang titindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA kapag sinimulan ang pagkukumpuni sa pangunahing lansangan sa Metro Manila kaya’t kapag mabilis na nakumpleto ang railway project, maaaring magbigay ito ng karagdagang transportasyon sa masa na magagamit ng mamamayan.

Aniya, kapag natapos ang MRT7, magkakaroon ng alternatibong sasakyan ang motorista patungo sa kanilang destinasyon sa halip na gamitin ang kanilang kotse kaya mababawasan ang dumaraan sa lugar.

“Everyone in Metro Manila is waiting to get on board. We hope the MRT-7 project will soon be a reality,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate Committee on Finance.

Ipinapangako ng naturang big-ticket project na magkaroon ng 35-minutong pagbiyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose Del Monte sa Bulacan at magkakaroon ng 14 istasyon.

“Sabi nga ng meme tungkol sa ating trains sa Facebook, ‘Papasok kang estudyante, lalabas kang mandirigma.’ Sana may katapusan naman ang paghihirap ng ating mga commuter,” giit ni Poe.

Noong 2014, sumakay si Poe sa MRT sa rush hour sa North Avenue Station upang personal na makita ang paghihirap ng pasahero bago simulant ang imbestigasyon ng MRT-3.

Lumahok si Poe sa mahabang pila at naranasan nito ang sirang makina at umabot sa mahigit isang oras at kalahati bago makarating sa Taft Station sa Pasay City.

Sinimulan ni Poe, naging chairperson ng Senate Committee on Public Services, na pinanguhan ang ilang imbestigasyon ng Senado sa train system ng bansa, isinulong ang mas mahusay na pasilidad, operasyon at maintenance at masusing hinimay ang mga kontrata ng private providers.

“The path to get a train ride in Metro Manila is not as straight as its tracks. It takes a long and winding cue, climbing steep stairs and squeezing oneself in a tight coach,” ayon kay Poe.

“But this should not stop us from working to have better train system and facilities. The Filipinos deserve a dignified ride,” dagdag ni Poe. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here