Home METRO P2M marijuana nakumpiska

P2M marijuana nakumpiska

105
0

MANILA, Philippines- Isang hinihinalang tulak ng droga ang naaresto at kasama sa listahan ng High Value Individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Nino, 33, isang tricycle driver, residente ng 249 Aguinaldo Highway, Brgy. Talaba 4, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, bandang alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Bacoor Component City Police Station (CCPS) sa Brgy.Panapaan 1 sa nasabing lugarĀ  na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek na si alyas Nino ang humigit-kumulang 2000 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at marijuana fruiting tops na may standard street value na P240,000; isang backpack at buy-bust money.

Nasa kustodiya ng Bacoor Components Center ang nadakip na suspek para sa kasong isasampa laban sa kanya. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here