Home ENTERTAINMENT Kotse at P1M allowance ni Daniel kay Kim, fake news?

Kotse at P1M allowance ni Daniel kay Kim, fake news?

289
0

Manila, Philippines – Walang katotohanan daw ang isyu na nali-link sina reelected Bulacan Governor Daniel Fernando at Kim Rodriguez, huh!

Ito ang tsika sa amin ng nakausap naming staff ni Gov. Daniel.

Siyempre itinanggi rin niya ang isyung binigyan ng kotse ni Gov. Daniel si Kim at pati na rin sa sinasabing isang milyong allowance ng huli mula sa una, huh!

Paliwanag pa rin ng kausap namin na bahagi raw yun ng mga ginawang paninira ng mga nakalaban ni Gov sa pulitika, huh!

“Wala kasi silang makuhang isyu sa dalawang terminong pagiging gobernador ni Gov,” sey pa ng staff.

Samantala landslide ang pagkapanalo ni Gov. Daniel, tinambakan nila nang husto ng ka tandem niyang si VG Alex Castro ang mga katunggali.

Now on his 3rd and last term, may balak kayang tumakbo sa higher position si Gov. Fernando?

“Di pa po namin alam, basta sa ngayon, tutok muna siya sa nga projects at mga gagawin pa niya sa buong Bulacan,” sey pa ng kausap namin. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here