NANGAKO si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isasara niya lahat ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa bansa.
“As far as I am concerned, I will get all the list of POGOs and I will personally lock them down, one by one, personally, lahat sila,” ang sinabi ni Remulla matapos na opisyal nang maupo bilang Kalihim ng DILG sa turnover ceremony sa Quezon City.
Aniya, kinausap na niya ang mga opisyal ng POGO hub na nago-operate sa Island Cove sa Kawit, Cavite, isang resort property na dating pag-aari ng kanyang pamilya.
“They will close down Dec. 15 for good,” pagtiyak ng Kalihim.
Samantala, sa ngayon ay mananatili muna sa kani-kanilang mga posisyon ang lahat ng opisyal ng DILG.
“The instructions of President (Ferdinand R.) Marcos (Jr.) are very clear. One is the recommended structural reforms for the various agencies under the DILG. Next is the increased responsiveness of the local governments (and) last is the safety and security of the candidates and the public for the 2025 elections,” ang litaniya ni Remulla. Kris Jose