NAGPAABOT ng kanyang taos-pusong pagbati si Navotas Congressman Toby Tiangco kay Most Rev. Pablo Virgilio David, Roman Catholic Bishop ng Kalookan at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, sa kanyang pagkakatalaga bilang Cardinal.
“Having served as a priest for 41 years and a bishop for 18, Cardinal David has consistently dedicated his life to building communities rooted in faith and service,” ani Cong. Toby.
“I pray that God blesses him with excellent health and that he continues to foster solidarity among the members of the Roman Catholic Church,” dagdag niya.
“Once again, congratulations, and I wish him continued success in all his endeavors,” pahayag na pagbati pa ng mambabatas.
Si Bishop David ay kabilang sa 21 na napili ni Pope Francis na maging bagong Cardinals ng Simbahang Katolika matapos itong i-anunsiyo ng Santo Papa sa kanyang misa sa Vatican.
Isasagawa ang installation ng bagong talagang cardinals o tinatawag na consistory sa darating na Disyembre 8 bago ang pagbubukas ng Jubilee Year ng 2025.
Ito na ang pang-10 na consistory na isinagawa ng Santo Papa sa loob ng 11 taon niyang panunungkulan. Jojo Rabulan