Home NATIONWIDE Pagmama ng CCG sa BFAR pinalagan ni Sen. Jinggoy

Pagmama ng CCG sa BFAR pinalagan ni Sen. Jinggoy

MANILA, Philippines – Hindi dapat balewalain ang kamakailang pag-atake ng China Coast Guard (CCG) laban sa dalawang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc, ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

“Hindi natin malalampasan ang mga pagmamalabis at hindi makatao ang pagtrato sa atin ng CCG. Isa itong tahasang paglabag sa ating sovereign rights at rules-based international order, ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ani Estrada sa isang pahayag nitong Miyerkules.

“Dapat nating panagutin ang CCG para sa lahat ng mga unprovoked attacks nito. Non-negotiable ang kaligtasan ng ating government personnel at ang soberanya ng ating bansa.”

Nanawagan si Estrada, na namumuno sa Committee on National Defense, sa Philippine maritime authorities na panatilihin ang kanilang presensya sa lugar.

“I also urge our PCG and the Philippine Navy to increase the frequency of patrols in the West Philippine Sea to ensure the safety of our people and the security of our waters,” ayon sa senador.

Sa hiwalay na pahayag, kinumpirma ng BFAR na dalawa sa mga sasakyang pandagat nito – BRP Datu Cabaylo (MMOV 3301) at BRP Datu Sanday (MMOV 2002) – ay nagsasagawa ng regular na resupply mission sa mga mangingisdang Pilipino sa paligid ng Bajo de Masinloc sa Kanlurang Pilipinas. Sea Martes ng umaga nang lumapit ang tatlong CCG vessel at isang Chinese navy vessel sa malapitan at anino ang kanilang paggalaw.

“Sinubukan ng mga barko ng CCG na hadlangan ang misyon ng mga sasakyang pandagat ng BFAR ngunit hindi ito nagtagumpay. Binuksan din ng CCG vessels at itinuro ang kanilang mga water cannon, ngunit nabigo itong makarating sa mga bangkang sibilyan ng Pilipinas,” ayon sa BFAR.

Sa kabila ng mga delikadong maniobra at pagbubukas ng mga water cannon, ang dalawang sasakyang pandagat ng BFAR ay nakapagsupply muli sa mga mangingisdang Pilipino sa paligid ng Bajo de Masinloc. RNT