Home HOME BANNER STORY POGO sa Pampanga sinalakay; 157 dayuhan, 29 Pinoy nalambat

POGO sa Pampanga sinalakay; 157 dayuhan, 29 Pinoy nalambat

MANILA, Philippines- Sinalakay ng mga awtoridad ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub sa Pampanga at naaresto ang 157 dayuhan at 29 Pilipino nitong Martes, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ng PAOCC na nasita ng mga tauhan nito, katuwang ang joint operatives ng Philippine National Police units, ang 186 indibidwal sa loob ng Pogo complex sa kahabaan ng Friendship Highway, Angeles City.

Inihayag ng PAOCC na nag-ugat ang operasyon nito sa warrant na ipinalabas ni Presiding Judge Maria Belinda Rama ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, laban sa mga opisyal at empleyado ng Lucky South 99.

Inilabas naman ang warrant, kasunod ng natanggap na ulat ng PAOCC mula sa confidential informants kung saan idinetalye kung paanong sekswal na inabuso ang isang babaeng dayuhan sa lugar habang tino-torture naman ang mga lalaking dayuhan.

“All foreign nationals are now undergoing immigration biometrics,” pahayag ng komisyon. RNT/SA