Home ENTERTAINMENT Pokwang, naawa sa vendors!

Pokwang, naawa sa vendors!

264
0

Manila, Philippines- Dahil sa sunod-sunod na bagyo niyong nakataan, patuloy pa rin ang pagbaha sa buong Metro Manila.

Isa sa talagang apektado ay ang mga naghahanap buhay sa bangketa particularly na ang mga vendors, huh!

Kaya sa isang interbyu sa komedyanang si Pokwang ay awang awa siya sa mga tindero’t tindera.

Kumbaga, kahit daw binabayo na ng ulan at baha ay patuloy pa rin na kumakayod ang mga ito para sa kanilang kabuhayan.

Hindi napigilan ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang pagkaawa sa mga tindera na binayo ang kanilang kabuhayan.

Kaya nga ibinida pa ni Pokwang na ang kanyang kasambahay na taga-pamalengke niya ay pinagbilinan niya na huwag tumawad sa mga bibilhin sa palengke.

Kumbaga kung anong sinabing presyo ay bilhin na kaagad nito, huh!

“Namalengke si Manang Gina. Sabi ko ‘wag ka na tumawad, hayaan mo na kumita kahit papano mga binabahang nagtitinda sa palengke,” sabi pa ni Pokwang.

Sobrang naawa si Ms. P sa mga nagtitinda sa talipapa na kahit nanlalamig ay tuloy pa rin ang paghahanap buhay ng mga ito, huh!

Dagdag pa ng aktres-komedyante na damang dama niya ang kahirapang pinagdadaanan ng mga ito lalo na at sumusugod ang mga ito sa gitna ng malawakang pagbaha, huh!

“Kawawa din naman sila, ang hirap ng kalagayan din nila kahit baha naghahanap-buhay pa rin. Ingat po kayo,” mensahe pa ng premyadong aktres sa mga pinagmalasakitan niyang mga vendors.

Samantala. as of this writing ay patuloy na

lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila matapos ang ilang araw na walang tigil na buhos ng ulan dulot ng pinalakas na habagat, ang dalawang bagyo na kasalukuyang nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), huh!

Sa probinsiya naman ng Batangas na talagang binabayo rin ng malakas na hangin at ulan ay hindi naman inalintana ng 71 year old na si Gob. Si Gov. Vilma Santos-Recto ang nag-ikot sa buong nasasakupan niya.

Isa isang inaalam ni Gov. Vi ang kalagayan ng mga constituents niya lalong lalo na ang mga lugar na apektado ng sunod sunod na bagyo.

Naghatid din ng tulong si Ate Vi kasama ang anak na si Luis Manzano sa mga higit na nangangailangan na taga-Batangas.

Tuwang tuwa naman ang mga pinasyalang mga Batangueño sa sinserong pagdalaw ng kanilang gobernadora.

May mga yumakap at may mga nagpapirma pa rin ng autographs kina Ate Vi at Luis, huh!

“Eto ang totoong gobyerno,, may malasakit, may kalinga may talino at puso para sa matatag na Batangas.

“Sa lahat ng pagkakataon, H.E.A.R.T.S  PROGRAM ang dala . Tunay na ina at Tunay na nag-aalala.” Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here