Home ENTERTAINMENT Barbie, bet maka-GL si Anne!

Barbie, bet maka-GL si Anne!

278
0

Manila, Philippines- Sa isang viral na shirt video, naurirat si Barbie Forteza sa isang beauty parlor kung sino ang bet niyang maging leading lady sakaling mabibigyan siya ng chance na gumawa ng GL.

Aniya, di raw niya ma-imagine ang sariling gagawa ng ganoong genre.

Gayunpaman, ready daw siya sa challenge lalo’t kasama ito sa hamon ng kanyang pagiging aktres.

Nagtanong din siya sa kanyang followers kung sino sa mga artistang babae ang bet nilang maipareha sa kanya.

“GL? Never kong na-imagine ‘yan ha that i would do a GL pero now that you brought it up, why not? Masaya ‘yan ha. sinong bet niyong girl for me?” sey niya.

Hirit niya sa suhestiyon, si Kyline Alcantara: “Why not?”

Go rin daw siya sa kaibigan niyang si Bianca Umali.

Bet din daw niyang makapyompyangan kay Maris.

Okay din daw sa kanya ang maipartner kay Glaiza de Castro na tinawag niyang “Madam.”

Sa thread naman, may mga nag-suggest ng mga pangalan nina Julie Anne San Jose at Mika Salamanca.

Nang may magbanggit naman sa pangalan ni Anne Curtis, ito ang kanyang naging reaksyon: “Huy grabe ang taas naman masyado nun pero i love it. i would love to talaga.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here