MANILA, Philippines – Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang nagpapaliban sa Disyembre 1 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa lalong madaling panahon.
Ito ayon kay Garcia ay dahil hindi nito lalagdaan o hindi nagbibigay ang Palasyo ng indikasyon na i-veto ito ng Pangulo.
Sa sandaling maaprubahan, ang pagsasagawa ng BSKE ay ililipat sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.
Tiniyak ni Garcia na handa sila sa magiging desisyon ng Pangulo.
Sakaling maipagpaliban ang Barangay at SK elections, sinabi ni Garcia na magkakaroon ng mas mahabang panahon na maghanda matapos ang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Oct.1. Jocelyn Tabangcura-Domenden