Home METRO Police corporal sinibak sa reklamong pangmomolesya sa 8-anyos sa Taguig

Police corporal sinibak sa reklamong pangmomolesya sa 8-anyos sa Taguig

1
0

MANILA, Philippines – Sinibak sa puwesto ang isang police corporal matapos na maharap sa reklamong umano’y pangmomolestya sa isang 8-anyos na batang babae sa Taguig.

Nagtungo sa opisina ng National Police Commission ang ina ng biktima para maghain ng pormal na reklamo bitbit ang CCTV footage bilang ebidensya sa sinasabing pangmomolestya ng parak,

Base sa footage, makikitang naglalakad sa isang kalye sa isang subdivision ang parak na wala pang suot na damit pang-itaas noong Hunyo 21.

Doon niya pinahinto ang biktimang 8-anyos na papunta sana sa tindahan.

Narinig umano ng isang concerned citizen ang malalaswang pahayag ng police corporal sa bata at isinumbong naman sa lolo ng biktima.

Napag-alaman na halos pitong buwan pa lang nilang kapitbahay ang pulis.

“Yung bata hindi nagsisinungaling yan, hindi ko tinuruan ang bata na magsinungaling. So ang sabi lang ng anak ko is ang binulong daw ng pulis sa kanya: ‘alam mo mas maganda ka pa sa misis ko, puwede bang pa-kiss,'” kwento ng ina ng biktima.

“Andito po ako ngayon para tumestigo para sa anak kong si Hope. Nung nalaman ko yun, bilang isang nanay sobrang halo-halong emotion yung naramdaman ko. Kasi hindi deserve ng anak ko iyon. Hindi ko alam na may isa, o may mga pulis pa palang ganun na hindi mo lubos maisip na gagawin iyon,” dagdag pa niya.

Bukod sa mga kasong kriminal na isinampa na sa tanggapan ng piskal dahil sa paglabag sa Safe Spaces Act at Child Abuse, nahaharap din ang opisyal sa mga kasong administratibo, kabilang ang “grave misconduct” at “conduct unbecoming of a police officer”.

Binawian na rin ng armas ang nasabing pulis, at inilagay siya sa Station Administrative Holding Section ng Taguig City Police. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here