Home NATIONWIDE Pondo sa flood control: dapat `visible, functional, felt’ -Pangandaman

Pondo sa flood control: dapat `visible, functional, felt’ -Pangandaman

377
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Budget and Management Sec. Amenah Pangandaman na ang pondo para sa flood control program ng bansa ay dapat maging visible, functional, at tunay na nakakatulong sa mga Pilipino.

Sinabi ni Pangandaman noong Biyernes ng hapon na nakipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, National Irrigation Administration, Department of Energy, Metropolitan Manila Development Authority, UP Research Institute, at Department of Economy, Planning, and Development upang masuri kung paano masisiguro ng gobyerno na ang lahat ng pondong inilabas ng Department of Budget and Management, lalo na ang mga proyekto sa pagkontrol sa baha ay hindi masayang.

“The funds we allocate in our national budget should not be imaginary or left idle. They should be visible, functional, felt, and truly helpful to our fellow citizens,” aniya.

“Let’s not allow what happened during the past storms to happen again, when most areas in the country turned into swimming pools due to the deep floods, and some cars ended up like submarines. This caused a lot of inconvenience to our fellow Filipinos,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Pangandaman na hindi hahayaan ng DBM na masayang ang bawat piso at sentimo na kanilang ilalabas, idiniin na ang pangangailangan na ito ay magamit at mapanatiling maayos.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, ay naglabas ng mahigpit na babala laban sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian na may kaugnayan sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here