Home NATIONWIDE Pope Francis hinirang si Bishop Mallari na mamuno sa Diocese of Tarlac

Pope Francis hinirang si Bishop Mallari na mamuno sa Diocese of Tarlac

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis nitong Linggo, Disyembre 29 si Bishop Roberto Mallari na mamuno sa 61-anyos na Diocese of Tarlac.

Ginawa ng Papa ang anunsyo sa Roma bandang alas-7 ng gabi, oras ng Maynila.

Pinalitan ni Mallari ang yumaong Bishop Enrique Macaraeg na pumanaw noong Oktubre 2023. Siya ay naglilingkod bilang Obispo ng San Jose, Nueva Ecija mula noong Hulyo 2012.

Bilang Obispo ng Tarlac, pangangasiwaan ni Mallari ang isang diyosesis na may humigit-kumulang 60 parokya at populasyon na higit sa 1.2 milyong Katoliko.

Ipinanganak sa Masantol, Pampanga– nakumpleto ng Obispo ang kanyang major seminary formation sa san carlos Seminary sa Makati City at kumuha ng masters degree sa spirituality mula sa Priest School for Asia sa Tagaytay City at nagpaptuloy sa kanyang pag-aaral sa School for Priest sa Florence, Italy.

Si Mallari ay naordinahang pari para sa sa Arkidiyosesis ng San Fernando noong Nobyembre 27, 1982. Naglingkod siya bilang spiritual director sa Mother of Good Counsel Seminary sa Pampanga mula 1983 hanggang 1987 at mula 1989 hanggang 1994.

Bago naging Obispo, naging executive secretary ng Catholic Bishop Conference of the Philippines -Episcopal Commission on family and Life (CBCP-ECFL) mula 2000 hanggang 2006.

Noong Enero 14, 2006, hinirang ni Pope Benedict XVI si Mallari bilang auxiliary bishop ng San Fernando, at naordinahan siya sa episcopate noong Marso 27, 2006.

Tinanghal siyang Obispo ng San Jose noong Mayo 2012. Si Mallari ay nagsilbi rin bilang vice chairman ng ECFL at chairman ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education.

Pinangunahan din niya ang Office of Social Communications ng Federation of Asian Bishops’ Conferences. Jocelyn Tabangcura-Domenden