Home METRO Kelot tiklo sa pagbebenta ng illegal na paputok sa Maynila

Kelot tiklo sa pagbebenta ng illegal na paputok sa Maynila

MANILA, Philippines – Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng illegal na paputok sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Jospeh Oropesa, 35-anyos mula sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng mga paputok na ipinagbabawal sa kahabaan ng Road 10 Street malapit sa kanto ng Leo Street, barangay 578, Zone 56, Sampaloc.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng MPD sampaloc Police Staion Intelligence Section at ang Gulod Police Community Precinct (PCP) na target ang pagbebenta ng illegal na paputok.

Nakumpiska sa suspek ang 9 na piraso ng Judas Belt na may 1,000 rounds bawat isa, dalawang piraso ng Judas’ Belt (500 rounds kada isa, 2 bundles ng Kwitis (100 piraso kada bundle), 17 piraso ng Tuna (dating kilala bilang “Goodbye Philippines”, 19 piraso ng Kabase, 10 piraso ng Higad 3 Star, 3 bundles ng 5 Star (10 piraso kada bundle), 9 boxes ng Picolo, isang pack ng Big Bawang Special, at dalawang boxes ng Pop-Pop. Jocelyn Tabangcura-Domenden