Home NATIONWIDE Pope Francis lalo pang bumubuti

Pope Francis lalo pang bumubuti

VATICAN – Nagpakita ng bahagyang pagbuti sa kanyang baga ang chest x-ray ni Pope Francis habang siya ay nagpapagaling mula sa limang linggong pananatili niya sa ospital, sinabi ng Vatican nitong Martes, Abril 1.

Lumabas ng Gemelli Hospital sa Rome si Pope Francis noong Marso 23 pagkatgapos ng pananatili kung saan sinabi ng mga doktor na halos dalawang beses na siyang muntik mamatay, bumalik sa Vatican para sa pagpapagaling ng hindi bababa sa dalawang buwan.

Sinabi ng Vatican press office na ang chest X-ray na isinagawa sa nagdaang araw aya nagkumpirma ang bahagyang pagbuti sa kanyang pulmonary infection.

Bumuti rin ang kanyang motor skills, boses at paghinga bagamat patuloy ang paggamit niya ng oxygen sa pamamagitan ng cannula, maaari itong alisin ng Papa nang panandalian.

Nananatiling nasa Santa Martha guesthouse ang Papa na nakikibahagi sa misa tuwing umaga sa kapilya sa ikalawang palapag kung saan siya nakatira mula nang maging pinuno ng 1.4 bilyong Katoliko sa mundo noong Marso 2013.

Wala siyang mga bisita bukod sa kanyang mga doktor at mga pinakamalapit na kasamahan, sinabi ng Vatican at idinagdag na ang kanyang moral ay nananatiling “mabuti”. Jocelyn Tabangcura-Domenden