Home NATIONWIDE Pope Francis muling nahirapang huminga

Pope Francis muling nahirapang huminga

VATICAN – Muling nakaranas si PopeĀ Francis ng dalawang serye ng “acute respiratory insufficiency” nitong Lunes, Marso 3.

Matatandaan na nasa Gemelli Hospital sa Rome si Pope Francis noon pang Pebrero 14 at hindi pa rin nakakalabas magmula noon.

Siya ay naospital dahil sa severe respiratory infection.

“Today, the Holy Father experienced two episodes of acute respiratory insufficiency, caused by a significant accumulation of endobronchial mucus,” saad sa pinakabagong medical update.

Nakaranas din ang Santo Papa ng bronchospasm, dahilan para isagaw ng mga doktor ang dalawng bronchoscopies, o paraan para suriin ang daluyan ng hangin.

Para makatulong din sa paghinga ay kailangang gumamit ni Pope Francis ng “non-invasive, mechanical ventilation.”

Matatandaan na noong weekend ay iniulat ang bahagyang pagbuti ng kalagayan ni Pope Francis. RNT/JGC