Home NATIONWIDE Pope Francis muntikan nang mamatay habang nasa ospital

Pope Francis muntikan nang mamatay habang nasa ospital

VATICAN – Muntikan nang mamatay sa isang punto sa kanyang pakikipaglaban sa ospital dahil sa pulmonya si Pope Francis kung kayat naisip ng kanyang doktor na tigilan ang paggamot upang maaaring mamatay ang Papa ng payapa, sinabi ng pinuno ng medical team ng Papa nitong Martes.

Sinabi ng doktor na si Sergio Alfieri sa Gemelli Hospital sa Roma na pagkatapos ang krisis sa paghinga noong Pebrero 28 na muntik nang mabulunan sa kanyang suka, “mayroong tunay na panganib na maaaring hindi niya ito magawa.”

“We had to choose if we would stop there and let him go, or to go forward and push it with all the drugs and therapies possible, running the highest risk of damaging his other organs,” sabi ni Alfieri sa Italy’s Corriere della Sera.

Si Francis ay ginamot sa Gemelli hospital sa loob ng 38 araw sa pinakamalubhang krisis sa kalusugan ng kanyang 12 taong pagka-Papa.

Na-admit noong Pebrero 14 para sa bronchitis na naging double pneumonia, isang partikular na malubhang kondisyon para kay Francis na nagkaroon ng pleurisy noong kabataan at inalis ang bahagi ng isang baga. Jocelyn Tabangcura-Domenden