Home SPORTS Ex-FIFA president, football star Platini abswelto sa kasong kurapsyon

Ex-FIFA president, football star Platini abswelto sa kasong kurapsyon

Ibinasura ng korte ang kasong kurapsyon laban kina dating FIFA president Sepp Blatter at French footballer Michel Platini.

Dahil sa inilabas na desisyon ng korte sa Muttenz, Switzerland, nalinis ang pangalan ng dalawa dahil umano sa alegasyon ng pagbabayad ni Blatter kay Platini ng halagang mahigit $2 milyon.

Matatandaang noong 2022, una ng na-acquit ang dalawa sa kasong fraud pero umapela ang Swiss federal prosecutors.

Itinanggi ng dalawa at sinabing hindi totoo ang mga alegasyon sa kanila.

Noong 2015 umusbong ang kaso kung saan inulan ang FIFA ng alegasyon ng kurapsiyon.

Ito ang nagbunsod para magbitiw sa kanyang pwesto si Blatter na nagtapos sa planong pag-upo rin sa puwesto ni Platini.