Home NATIONWIDE Red tagging sa Makabayan, iimbestigahan ng Comelec

Red tagging sa Makabayan, iimbestigahan ng Comelec

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Commission on Elections ang isa pang reklamo ng ‘red-tagging’ ng Makabayan coalition, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Sa liham kay Garcia, iniulat ni Makabayan provincial coordinator Marcus Confesor na ilang campaign posters mula sa isang ‘Makabayan Pilipino’ ang naispatan sa probinsya ng Cavite simula Enero 29.

Ang mga poster ay naglalaman ng itinuring ni Confesor bilang black propaganda at red-tagging laban sa mga miyembro ng bloc na sina ACT partylist Rep. France Castro at Gabriela party-list.

“We will not let this chance go away, the commision will investigate this thing,” sabi ni Garcia.

Ayon kay Garcia, bumuo ang Comelec ng task force na mag-iimbestiga sa mga reklamo alinsunod sa Comelec Resolution No.11116.

Noong Marso 10, iniulat din ng miyembro ng Makabayan coalition na Bayan Muna ang kahalintulad na smear campaign na nagta-target sa kanilang grupo. Jocelyn Tabangcura-Domenden