OPISYAL nang pasok sa semifinals ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ang Petro Gazz Angels makaraang gibain ang Zus Coffee Thunderbelles sa Game 3 ng kanilang best-of-three quarterfinals series, 25-21, 25-19, 25-23, sa PhilSports Arena, Pasig City.
Kasama ng Petro Gazz sa Final Four ang Creamline Cool Smashers, Choco Mucho Flying Titans, at Akari Chargers.
Makaraan ang maagang 2-0 set lead, nagbigay ng hamon ang mas batang koponan ng Zus Coffee sa huling bahagi ng laban. Ngunit nanaig ang mas matatag na opensa ng Petro Gazz upang tapusin ang serye sa 2-1 panalo.
Nakatakdang magsimula ang semifinals sa Sabado, Marso 29, sa Ynares Center, Antipolo. Magsasalpukan agad ang Petro Gazz Angels at Creamline Cool Smashers bandang alas-6:30 ng gabi. GP