Home SPORTS 3 Pinoy fighters sasabak sa One Friday 102

3 Pinoy fighters sasabak sa One Friday 102

TATLONG batang mandirigmang Pilipino na hindi pa natatalo ang muling sasabak sa aksyon ngayong Biyernes, Marso 28, sa Lumpinee Boxing Stadium sa Thailand para sa ONE Friday Fights 102.

Babalik sa entablado ng Muay Thai si Islay Erika Bomogao, isa nang opisyal na manlalaro ng ONE Championship, upang harapin si Nerea Rubio sa tampok na 103-pound bout.

Makakasama rin niya sa laban ang dalawang knockout specialists—si Marwin “Green Goblin” Quirante, na makikipagsagupaan kay Torepchi Dongak sa strawweight MMA division, at si Jean Claude “The Dynamite” Saclag, na haharap kay Shazada Ataev sa flyweight MMA category.

Isa sa pinaka-kaakit-akit na atleta sa larangan ng combat sports sa Pilipinas, si Bomogao ay patuloy na kinagigiliwan ng mga tagahanga, lalo na sa Thailand, dahil sa kanyang masayahing istilong “Pinoy Muay Thai.”

Samantala, parehong target nina Quirante at Saclag ang US$100,000 kontrata ng ONE Championship.GP