Home NATIONWIDE Pope Francis nasa ‘complex clinical condition’ – Vatican

Pope Francis nasa ‘complex clinical condition’ – Vatican

VATICAN – Nananatiling stable ngunit nasa complex clinical condition si Pope Francis habang nakikipaglaban sa penumonia sa ospital, sinabi ng Vatican, isang araw matapos maglabas ng audio mesage ang Papa.

Ito ang kauna-unahang beses na marinig ang boses ng Papa simula nang ma-admit sa Gemelli hospital noong Pebrero 14.

Sinabi ng opisina ng Vatican press noong Biyernes na ang status ng Papa ay “stable”, ngunit siya ay nasa “complex clinical condition” pa rin kaya “the prognosis remains guarded.”

Ang Papa ay gumawa ng kaunting trabaho at ilang physiotherapy, ngunit karamihan ay nagpahinga at nagdasal, kabilang ang paggugol ng halos 20 minuto sa maliit na kapilya na bahagi ng Papal suite ng ospital, sinabi ng Vatican.

Patuloy din ang palitan ng oxygen mask sa gabi at cannula– isang palstic tube na nakalagay sa kanyang ilong para mabigyan ng mataas na daloy ng hangin sa maghapon.

Nang i-broadcast ang mensahe sa plaza sa harap ng St Peter’s Basilica, kung saan ginaganap ang mga panalangin tuwing gabi para sa Santo Papa, nagpalakpakan ang daan-daang pilgrim na natipon doon.

Sa isang bid para sa higit na transparency, ang Vatican ay nag-publish ng isang update sa kung ano ang sitwasyon ni Pope Francis sa magdamag na sinusundan ng isang mas detalyadong medikal na bulletin bawat gabi.

Ang kalusugan ni Pope Francis ay regular na humantong sa espekulasyon, lalo na sa kanyang mga kritiko, kung maaari siyang magbitiw tulad ng kanyang hinalinhan, si Benedict XVI. Jocelyn Tabangcura-Domenden