MANILA, Philippines – Naging matatag at hindi na kailangan gumamit ng mechanical ventilation para tulungan sa paghinga si Pope Francis, ayon sa Vatican noong Martes.
Si Pope Francis, ay dumanas ng dalawang respiratory crises noong Lunes habang nakikipaglaban siya sa double pneumonia,
Bumalik na ngayon ang Papa sa pagtanggap ng oxygen sa pamamagitan ng maliit na hose sa ilalim ng kanyang ilong sinabi ng Vatican press office.
Sinabi ng Vatican na ang kondisyon ng papa ay stable, bagamat pinanatili ng mga doktor ang kanyang prognosis bilang “guarded” na ibig sabihin ay wala sa panganib ang papa.
Si Francis ay nasa Gemelli Hospital ng Roma mula noong Pebrero 14, nang siya ay na-admit para sa isang matinding impeksyon sa paghinga na nag-trigger ng iba pang mga komplikasyon.
Ayon pa sa opisyal ng Vatican,ang pagsusuri sa dugo ng pontiff ay nanatiling stable.
Naniniwala ang mga doktor ng papa na ang respiratory episode ay bahagi ng normal response ng kanyang katawan sa paglaban sa impeksyon, idinagdag ng opisyal.
Ang double pneumnia na nararanasan ng papa ay isang malubhang impeksyon sa parehong mga baga na maaring magdulot ng kahirapan sa paghinga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)