Home NATIONWIDE Pope Leo XIV nagtalaga ng bagong Obispo sa diocese ng San Jose...

Pope Leo XIV nagtalaga ng bagong Obispo sa diocese ng San Jose de Nueva Ecija

273
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Samuel Agcaracar bilang ikalimang obispo ng diocese of San Jose de Nueva Ecija.

Iniulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nitong Biyernes na ang bagong obispo ay papalit kay Bishop Roberto Mallari, na ngayo ay namumuno na sa Diocese of Tarlac.

Bago ang appointment ng 55-anyos na si Agcaracar mula sa Societas Verbi Divini (SVD) congregation, ang posisyon ay bakante ng halos walong buwan.

Ang bishop-elect ay kasalukuyang rector ng Divine Word Seminary sa Tagaytay City, at provincial admonitor ng SVD Philippine Central Province.

Ipinanganak siya sa Claveria, Cagayan at unang nagsilbing katekista sa kanyang home parish ng St. Joseph.

Kalaunan ay pumasok siya sa Society of the Divine Word Seminary at nag-aral ng philosophy sa Christ the King Seminary in Quezon City, at theology sa Divine Word School of Theology sa Tagaytay.

Si Agcaracar ay inordina noong 2007 at nagsilbing high school director sa Divine Word College of Calapan sa Oriental Mindoro.

Hawak niya ang doctorate sa missiology mula sa Pontifical Gregorian University sa Rome.

Siya rin ay founder at executive director ng SVD Laudato Si’ Farm sa Tagaytay.

Hindi pa naitatakda ang petsa ng kanyang episcopal ordination at installation.

Mayroong dalawang diocese ang Nueva Ecija. Ito ay ang Cabanatuan at San Jose. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here