Home ENTERTAINMENT Pops, excited maging ‘Lolly Pops’!

Pops, excited maging ‘Lolly Pops’!

Manila, Philippines – Pops Fernandez has already decreed kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo: Lolly Pops.

But it wasn’t her original idea but her friend’s.

Nagustuhan naman niya ito, bagay na ikinaiinggit ng dating asawang si Martin Nievera who has yet to think of how he likes to be addressed by his grandchild.

Ani Pops, December or early January na isisilang ng nobya ng panganay nila ni Martin na si Robin ang kanilang apo.

Robin’s girlfriend Mia Acobo is expected to give birth to a baby boy.

Ito’y ayon na rin sa gender reveal last month kung saan blue confetti ang lumabas sa pinutok na itim na lobo.

Pops had wished for a girl dahil nga she already has two sons.

“But a baby is a baby as long as it’s healthy!” ayon sa expectant lola.

Sana nga lang ay huwag tumapat sa holidays ang kapanganakan ng apo para ma-enjoy nito ang kanyang araw all to himself.

Game din daw magpakayaya or nanny ang Concert Queen.

May solusyon naman daw kasi ‘yon:

“Pag napagod, eh, ‘di return to sender! Ha! Ha! Ha!” Ronnie Carrasco III