Home NATIONWIDE PH economy pinakamabilis lalago sa East Asia and Pacific sa 2023 –...

PH economy pinakamabilis lalago sa East Asia and Pacific sa 2023 – World Bank report

MANILA, Philippines- Inaasahang makapagtatala ang Philippine economy ng pinakamabilis na paglago sa lahat ng developing countries sa East Asia and the Pacific ngayong taon, ayon sa pinakabagong report ng World Bank.

Base sa growth outlook para sa rehiyon na inilabas nitong Lunes, nangunguna ang Pilipinas sa 5.6% growth na napanatili nito para sa 2023, mas mabilis pa sa Vietnam sa 4.7%—mula sa 6.3% forecast para sa 2023 sa April edition ng ulat.

Para sa 2024, posibleng lumago ang Pilipinas ng 5.8%.

Binanggit ng Washington-based multilateral lender na pinaigting ng adoption ng bansa ng software at data analytics ang productivity ng mga kompanya.

Sinabi pa nito na ang estado ng internet connections isa Pilipinas ay nagpakita ng “a strong increase in the speed” mula pagtatapos ng 2019 hanggang pagpasok ng kasalukuyang taon.

“Services reform and digitalization can generate a virtuous cycle of increasing economic opportunity and enhanced human capacity, powering development in the region,” pahayag ni World Bank East Asia and Pacific Vice President Manuela Ferro.

Sa muling pagsigla ng local tourism sector, inihayag ng World Bank na nakatulong ito sa services exports ng bansa.

Sinabi ng grupo na ang services sectors “play an increasing role in driving development in a region known for manufacturing-led growth.”

Kabilang sa mga bansang saklaw ng forecast ang China, Indonesia, Malaysia, Thailand, Cambodia, Lao PDR, Mongolia, st Myanmar.

Samantala, nakikita ang paglago ng rehiyon na nananatiling malakas sa 5% ngayong taon, na ayon sa World Bank ay mas mataas sa average growth na tinataya para sa iba pang emerging markets at developing economies.

“The East Asia and Pacific region remains one of the fastest growing and most dynamic regions in the world, even if growth is moderating,” pahayag ni Ferro.

“Over the medium term, sustaining high growth will require reforms to maintain industrial competitiveness, diversify trading partners, and unleash the productivity-enhancing and job-creating potential of the services sector,” dagdag ng World Bank official. RNT/SA

Previous articlePops, excited maging ‘Lolly Pops’!
Next articlePH gov’t pinasasagot ng SC sa petisyon vs MIF