Home HOME BANNER STORY Suspek sa pagpatay sa OFW sa Saudi arestado!

Suspek sa pagpatay sa OFW sa Saudi arestado!

MANILA, Philippines- Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng Philippine at Saudi governments kasunod ng pagkamatay ng pinagsasaksak na overseas Filipino worker (OFW) na pinagsasaksak.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Cortes na hinihintay lamang ng Philippine government ang konklusyon ng imbestigasyon sa insidente at paglalabas ng mga kinakailangang dokumento upang maproseso nito ang pag-uuwi sa mga labi ng pinatay na manggagawang si Marjorette Garcia.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ni Garcia at kanyang ecruitment agency kasunod ng pagpatay, ayon kay Cortes.

Inihayag ni Cortes na natagpuan si Garcia ng Saudi authorities na duguan at tadtad ng saksak. Isinugod siya sa ospital kung saan siya idineklarang patay.

“‘Yung suspect, yung supposed perpetrator, ng krimen na ito ay nahuli na rin po ng pulis ng Saudi Arabia at under investigation na po ang kaso,” anang opisyal sa isang panayam.

Ani Cortes, ang suspek na isang dayuhan ay pinaniniwalaang katrabaho ni Garcia sa Saudi.

Inanunsyo ng DMW nitong Lunes ang pagkamatay ni Garcia, na nagtatrabaho sa Saudi mula 2021.

Mayroong asawa at mga anak si Garcia, base kay Cortes.

“The DMW extends its deepest condolences to the family and loved ones of OFW Marjorette. We assure them of our continuing support during their time of grief and in the ongoing investigation,” pahayag ng DMW. RNT/SA