Manila, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga magbabakasyon ngayong Holy Week at summer vacation na may dalang halaman at alagang hayop na kumuha ng mga kaukulang permit.
Ayon sa PPA, ang mga plantito at plantita ay kinakailangang kumuha ng Shipping Permit mula sa Bureau of Plant Industry bago magdala ng mga halaman sa pantalan at barko.
Samantalang ang mga fur-parents ay kailangan magparehistro sa Bureau of Animal Industry at magsumite ng Veterinary Health Certificate mula sa lisensyadong beterinaryo upang makabiyahe ang kanilang mga alaga.
Tiniyak ng PPA ang kanilang kahandaan para sa ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero ngayong Semana Santa. Para sa karagdagang detalye at mga registration links, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)