Manila, Philippines — Nagbigay ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng tumaas ang heat index sa darating na Biyernes Santo (Abril 18, 2025), at maaaring umabot ng 42°C hanggang 45°C.
Ayon kay Joey Figuracion, isang weather specialist mula sa PAGASA, ang maalinsangang panahon na kasalukuyan nating nararanasan ay maaaring magdulot ng heat index na umabot ng 45°C sa Biyernes.
Binigyang diin ni Figuracion sa isang forum ng QCJI Forum na walang ulan at malakas ang sikat ng araw sa mga susunod na araw.
Dahil dito, nagbigay ng paalala ang PAGASA na gumamit ng proteksyon sa araw tulad ng payong at sumbrero upang maiwasan ang epekto ng matinding init. (Santi Celario)