Home METRO Buluan, Maguindanao Del Sur isinailalim sa COMELEC control

Buluan, Maguindanao Del Sur isinailalim sa COMELEC control

Maguindanao del Sur — Inilagay na ng Commission on Elections (COMELEC) ang Buluan, Maguindanao del Sur sa ilalim ng kanilang kontrol kasunod ng mga insidente ng pananambang na kinasasangkutan ng ilang kandidato, pulitiko, at ilang sibilyan.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang hakbang ay ginawa matapos ang mga insidenteng naganap sa nasabing lugar. Ang Buluan ay pangalawang lugar na isinailalim sa COMELEC control, kasunod ng Datu Odin Sinsuat, kung saan tambangan ang election officer ng komisyon at ang kanyang asawa.

Patuloy pa rin ang pagsusuri ng COMELEC sa ilang iba pang lugar sa bansa, kabilang ang northern Luzon at Bangsamoro, na posibleng isailalim sa control ng komisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)