Home NATIONWIDE Posibleng ‘foreign funding’ sa anti-gov’t rallies, iimbestigahan ng AFP

Posibleng ‘foreign funding’ sa anti-gov’t rallies, iimbestigahan ng AFP

237
0

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung posibleng may pondo mula sa ibang bansa ang mga kamakailang protesta laban sa pamahalaan, ayon kay acting AFP spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad nitong Martes.

“We are looking at all possible avenues… to ensure that domestic concerns will remain domestic and will not be influenced by foreign funding,” sabi ni Trinidad, na layong maprotektahan ang integridad at seguridad ng lipunang Pilipino.

Ito ay kasunod ng rally ng United People’s Initiative na pinangunahan ng mga retiradong militar sa EDSA People Power Monument, na nanawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pag-withdraw ng suporta ng AFP sa gobyerno.

Binigyang-diin ni Trinidad na hindi makikialam ang AFP sa anumang labag sa konstitusyon. “The AFP will not involve itself in any unconstitutional activity, not during his watch,” aniya.

Iginiit rin ng Malacañang na hindi opsyon ang pagbibitiw ng Pangulo.

“Hindi po option sa administrasyon, sa Pangulo ang pagbibitiw. Ang Pangulo ay matapang na haharapin ang suliranin ng bansa at silang mga nag-iingay ay ingay lamang,” ayon kay Palace Press Officer Claire Castro. Dave Baluyot 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here