Home NATIONWIDE Posibleng parusa sa mga powerplants sa paulit-ulit na brownout sa Visayas, pinag-aaralan...

Posibleng parusa sa mga powerplants sa paulit-ulit na brownout sa Visayas, pinag-aaralan ng DOE

4
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pagpapataw ng parusa sa mga power generation companies na may mga planta na matagal na offline at nakakadagdag sa paulit-ulit na yellow at red alert sa Visayas grid mula pa noong kalagitnaan ng Mayo.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, wala pang pinal na parusa dahil kailangan pa nilang maglabas ng opisyal na utos at masusing pag-aaral.

“Right now, they don’t have penalties yet because I have to issue the order… currently, we are evaluating because when you shut down a power plant, there are consequences so before we penalize, like cancel their license, we have to make sure that we have replacement power also,” sabi niya.

Sinabi rin niya na iniimbestigahan ng DOE ang mga planta na higit anim na buwan nang naka-forced outage, pati na ang mga paulit-ulit na nagkakaroon ng breakdown kada taon.

“I’m asking my team to do it within the first half of the year… Give me an assessment of plants that are on forced outages for more than six months already or those plants that every year they are on forced outage,” dagdag niya.

Ayon sa DOE, ang Visayas grid ay nakararanas ng red at yellow alerts dahil sa mataas na demand sa kuryente, mainit na panahon, at biglaang pagkawala ng operasyon ng ilang planta.

Noong Miyerkules, isinailalim ang Visayas sa red alert mula 1 p.m. hanggang 7 p.m., at yellow alert mula 7 p.m. hanggang 9 p.m.

“Visayas is problematic. We’re quite transparent about this. Now and next year, if we do not do anything, Visayas will still have these red, yellow alerts,” ani Garin.

Dagdag pa niya, nagkaroon ng pulong kasama ang Pangulo para sa agarang at pangmatagalang solusyon.

Isa sa mga agarang hakbang na tinitingnan ay ang paggamit ng power barges at paghahanap ng karagdagang suplay na aabot sa 150 hanggang 200 megawatts sa Visayas grid. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here