Home NATIONWIDE Posisyon ng mga senador sa civilian semi-automatic gun ownership nagsalungatan

Posisyon ng mga senador sa civilian semi-automatic gun ownership nagsalungatan

MANILA, Philippines- Magkakasalungat ang pananaw ng ilang senador sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) No. 10591 o ang Comprehensive Law in Firearms and Ammunitions, na pinapayagan ang civilians na bumili ng sariiling semi-automatic firearms.

Nagkasalungatan ng pananaw sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa isyu na payagan ang sibilyan na magpalisensya ng semi-automatic pistol.

Sa panayam, sinabi ni Zubiri na pabor siya sa nirebisang IRR hangga’t responsableng gun owner lamang ang papayagan na gumamit ng semi-automatic firearms.

“I’ll be hypocrite kung sasabihin kong ayaw ko dahil meron din akong long-arm. As a gun owner, I believe in responsible gun ownership,” ani Zubiri.

“Dapat lang pagsikapan nila [Philippine National Police] ang pagbusisi ng pagbibigay ng mga lisensya at pagbebenta ng mga baril sa kanila,” ayon pa kay Zubiri.

Sinabi niya na hindi dapat mapunta sa kamay ng rebelde at iba pang internal threats ang anumang uri ng baril.

Ngunit, iginiit naman ni Hontiveros na sa halip payagan, dapat magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon laban sa paggamit ng baril dahil mas malaking banta sa seguridad ninuman ang armas na mapupunta sa sibilyan.

“We must address the broken provisions of the law, which currently enable certain persons to own many high powered weapons. We need to amend Sec. 9, Article III of Republic Act 10591 – which allows so-called ‘gun collectors’ to amass more than fifteen firearms without much explicit restrictions – and move in the direction of tighter, not looser, gun control,” ayon kay Hontiveros.

Ikinababahala naman ni Senador Imee Marcos na maaaring tumaas ang bilang ng kriminalidad, terorismo, arms smuggling at malawakang karasah sa 2025 elections dulot ng bagong gun ownership policy.

“The PNP is shooting itself in the foot and compromising law enforcement efficiency and, above all, public safety,” base sa senador.

Papayagan nang bumili ang sibilyan ng semi-automatic rigles tulad ng 7.62 rifle, kasunod ng minor amendments sa IRR. Ernie Reyes

Previous articlePatakaran sa pagbibigay ng eligibility sa mga miyembro ng Sanggunian inamyendahan ng CSC
Next articleRemulla sa state prosecutors: Ethical standards sundin, mag-inhibit kung kailangan