
MANILA, Philippines- Inamyendahan ang resolusyon na naglalayong bigyan ng civil service eligibility ang mga miyembro ng Sanggunian.
Sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na ang ginawang pag-amyenda ay naglalayong mas palawakin ang hanay ng Sanggunian Members na naghahangad na makapag- apply para sa career service positions.
“By amending the eligibility requirement for Sanggunian Members, we hope to recognize the years they have committed to serving the public as frontliners in local government units. Their wealth of experience and expertise constitutes a valuable contribution to the 1.9 million-strong civil service workforce,” ayon kay Nograles.
Ang bagong patakaran ay nakapaloob sa ilalim ng Resolution No. 2300882 na idineklara noong Setyembre 15, 2023, inamyendahan ang CSC Resolution No. 1300486 na may petsang Marso 6, 2013.
“This new rule adopts and prescribes the Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act (R.A.) No. 10156, also known as “An Act Conferring Upon Members of the Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod, and Sangguniang Panlalawigan, the Appropriate Civil Service Eligibility under Certain Circumstances, and for Other Purposes,” ayon sa ulat.
Alinsunod sa R.A. 10156, ang Sanggunian Member Eligibility (SME) ay maaaring ibigay sa mga sumusunod na Sanggunian Members, na halal matapos maging epektibo ang Local Government Code of 1991:
Vice Mayor, bilang presiding officer para sa Sangguniang Bayan o Sangguniang Panlungsod;
Vice Governor, bilang presiding officer para sa Sangguniang Panlalawigan; at
regular Sanggunian Members ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Panlalawigan.
Samantala, sinabi ng CSC, ang SME ay hindi hindi maaaring igawad sa Sanggunian Members, na hindi nahalal sa kabuuan o sa pamamagitan ng political district:
Presidente ng provincial, city, o municipal chapter ng Liga ng mga Barangay;
Presidente ng panlalawigan, panlungsod, at pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan; at
Sectoral representatives sa Sanggunian Panlalawigan, Bayan, o Panlungsod.