Home NATIONWIDE Poultry ban sa Japan, binawi na ng Pinas

Poultry ban sa Japan, binawi na ng Pinas

236
0

MANILA, Philippines – Inalis ng Department of Agriculture (DA) ng Pilipinas ang pansamantalang ipinatupad na pagbabawal sa pag-aangkat ng mga domestiko at ligaw na ibon, pati na ang mga produktong manok, mula Japan.

Ipinatupad ang pagbabawal noong Nobyembre 2024 dahil sa bird flu, ngunit binawi ito matapos kumpirmahin ng Japan sa World Organisation for Animal Health (WOAH) na naresolba na ang mga kaso ng avian influenza noong Hunyo 13 at walang bagong outbreak.

Ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mababa na ang panganib ng bird flu mula sa mga import mula Japan.

Inaasahang makatutulong ang pag-alis ng ban sa pagpapanatili ng suplay ng manok at magbibigay ng mas malawak na pagpipilian sa mga negosyante.

Kailangang sumunod pa rin ang mga importer sa mga umiiral na regulasyon ng DA. Agad na epektibo ang kautusan at mananatili hangga’t hindi binabago. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here