Home NATIONWIDE Power maintenance itinakda sa NAIA Terminal 3 ngayong araw

Power maintenance itinakda sa NAIA Terminal 3 ngayong araw

347
0

MANILA, Philippines – Itinakda ang power maintenance ngayong Martes, Hulyo 15 mula alas-10 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 16 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“This is part of ongoing efforts to keep NAIA safe, reliable, and operating at its best,” saad sa abiso ng operator na New NAIA Infra, Corp.(NNIC).

“Meralco Energy, Inc.’s maintenance requires a temporary power interruption,” dagdag pa.

Bagamat susuportahan ng backup generators ang mga critical systems, inaasahan ang mga pagkaantala sa mga elevator, escalator, baggage handling system, air conditioning, lighting, at electrical outlets.

“We will do our best to keep any inconvenience to a minimum.”

Matatandaan na nagkaroon din ng power maintenance sa Terminal 3 noong Mayo 29 dahilan para hindi magamit ang ilang boarding bridges sa loob ng apat na oras. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here