MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Ports Authority (PPA) na kanselado ang biyahe sa Iloilo patungong Cebu sa darating Nobyembre 3, 2024.
Base sa ibinabang abiso, ang susunod ng biyahe ng barko ng shipping lines ay sa Nobyembre 5, 2024 ng alas-6 ng hapon.
Inabisuhan ang mga pasahero na maaari silang mag-rebook ng walang karagdagang bayad o humingi ng refund para sa mga nakakuha na ng ticket.
Samantala, nagbaba din ng abiso ang Starlite Ferries, Inc. na magbabawas ito ng biyahe sa rutang Dumangas- Iloilo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, 2024.
Narito ang kanilang bagong iskedyul:
Oct. 31, 20204 – 1pm & 6pm
Nov. 1, 2024 – 6am & 6pm
Nov. 2, 2024 – 6am & 6pm
Nov. 3, 2024 – 1am, 5am, 1pm & 6pm
Para sa karagdagang impormasyon, direktang makipag-ugnayan sa mga nasabing shipping lines. Jocelyn Tabangcura-Domenden