NARVACAN, Ilocos Sur- Nalunod ang isang babae matapos umanong itulak ng dalawang lasing na residente sa isang tulay sa Barangay San Antonio, Narvacan, Ilocos Sur nitong Huwebes ng gabi.
Sinabi ng mga pulis na ang hindi natukoy na biktima ay may taas na 5’2”, payat na pangangatawan, at edad 50 hanggang 60.
Base sa imbestigasyon, ang biktima ay mayroon umanong intellectual disability at madalas na pagala-gala sa barangay, kung saan nakaaway umano nito sina Wendell A. Saldua, 37, at Feliciano B. Paculdar, 48, dahilan upang itulak siya ng dalawang lalaki at malunod.
Narekober ang katawan ng biktima at natuklasang nagtamo ng serious injuries sa ulo habang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek. RNT/SA