MANILA, Philippines- Nailigtas ang siyam na estudyante matapos tumaob ang maliit na motorbanca sa probinsya ng Capiz noong Miyerkules, Oktubre 29 dahil sa malakas na hampas ng alon ng bagyong Leon.
Kinumpirma ng Ivisan Municipal Police Station (MPS) ang insidente ngunit hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan ng mga estudyante at kanilang edad. Kinuha ng grupo ang motorbanca para mag-island-hopping sa Ivisan.
Gayunman, nakasalubong sila ng malalakas na alon habang nasa daan. Nabaligtad ang bangka at agad na rumesponde ang isang substation ng Philippine Coast Guard.
Lahat ng siyam na estudyante pati na ang kapitan ng bangka ay nailigtas at dinala sa pampang.
Hinimok ng PCG ang mga sea traveler na huwag makipagsapalaran sa dagat kung malakas ang alon. Jocelyn Tabangcura-Domenden